<$BlogRSDURL$>
Tula Atbp.
Monday, October 17, 2005
 
"Happiness Is..."

Happiness is an extra gravy
A simple smile
A shiny shoe
A soft pillow at night

Happiness is a cup of coffee
A morsel of bread
A clean shirt
A foggy morning

Happiness is a beautiful quotation
A "hello"
An "I miss you"
A "how are you?"

Happiness is a prayer
A "thank you"
A "good job!"
A "take care"

Happiness is a drop of rain
A ray of sunlight
A falling leaf
A gentle breeze

Happiness is a cherished memory
A clean conscience
A helping hand
A kind word

Happiness is truth
Happiness is love
Happiness is faith
Happiness is every kind, good and simple
things most of us take for granted.....

Saturday, October 15, 2005
 
"Mabaho Ba Ang Tao Ng Tae? "

Mabango ba ang tao ng tae?
Mabaho ba ang halaman ng bulaklak?
Madilim ba ang araw ng sinag?
Maliwanag ba ang panahon ng ihip?

Masarap ba ang sikmura ng kalam?
Masakit ba ang ina ng halik?
Mapait ba ang dalaga ng ngiti?
Matamis ba ang kapalaran ng andar?

Mura ba ang buhay ng halaga?
Mahal ba ang pangarap ng presyo?
Mapangit ba ang Diyos ng nilikha?
Maganda ba ang kasalanan ng paggawa?

Matapat ba ang ating bansa sa mga pulitiko?
Mapagpanggap ba ang bata ng salita?
Maayos ba ang Pilipino ng maraming buhay?
Magulo ba kung may puso sa patriyotismo?

Madalang ba ang ulan ng patak?
Madalas ba ang tao ng pagdarasal?
Malinis ba ang konsensya ng bulong?
Marumi ba ang epekto ng gobyerno sa pakikialam?

Malapit na ba ang bayan ng pagbabago?
Malayo pa ba ang bayani ng mga paglitaw?
Maaliwalas ba ang kasinungalingan ng landas?
Masukal ba kung may taongbayan ang malasakit?

Wednesday, October 12, 2005
 
"Ang Mahiwagang Pantas"

Karimlan...
Binalot ng dilim ang
Mga paraisong parisukat
Mga puno ay naging
Mga diwata
Sa isang kaharian
Nagtipon ang mga pantas
Nagkaroon ng pagtatalo
At lahat ay nagwagi
Nagtalik ang mga
Diwata at pantas

Sa isang bilangguan
Na puno ng mabaho at
Maitim na usok
Isang uri ng usok
Na buhay at kumakapit
Sa kaluluwa ng sinumang
Mapasok dito
Nakapiit ang ibang mga pantas
Maraming rin ditong nagaganap
na mga pagtatalo
May mga nagwawagi
May mga natatalo

Ngunit sa isang payak na hardin
Na nasa ituktok ng
Naglalakbay na maputing ulap
Dito madalas matagpuan
Ang isang mahiwagang pantas
Sa harding ito niya
Nakakasalimuha ang iba't ibang
Pantas na tulad niya'y
Mahihiwaga rin naman
Minsan lamang ang mga pagtatalo
Subalit masisidhi at
Nakaririmarim ang mga
Minsanang pagtutunggaling ito

Sa bandang huli
Pinili ng mahiwagang pantas
Na manatili na lamang
Sa hardin sa ibabaw ng ulap
Sapagkat dito ay may
Malalalim na kahulugan ang
Mga pagtatalong kaniyang
Kinasangkutan...

Sunday, October 09, 2005
 
"Ang Pagiging Bughaw"

Tumapak ako sa lupa
At may bughaw na katas
ang sumuot sa aking talampakan
Unti-unti naging bughaw ang
aking paa, pagkatapos ay
Ang aking binti
Hanggang sa maging bughaw ang
buo kong katawan
Naging bughaw ang aking
Kaluluwa
Bughaw na rin ang lupa
Dati nang bughaw ang langit
Mga puno'y bughaw
Mga tao'y bughaw
Lahat ng bagay ay naging bughaw
Natakot ako
At hindi ko alam kung bakit
Dahil kaya bughaw na ang lahat ng bagay?
O dahil dati ay hindi sila bughaw?
Gusto kong mawala ang pagkabughaw
Ngunit kailangan ko munang
Hindi maging bughaw
Ngunit ano ang aking gagawin?
Kailangan kong isipin...

Monday, October 03, 2005
 
"Buhay Ay Di Pelikula"

May kanta ba kapag nagtatagumpay?
May tugtog ba ng tambol kapag may
naghahabulan sa kalsada?
Sumasabay ba ang ulan sa
tampuhan ng magkasintahan?
Sumisirit ba ang dugo kapag
nasusugatan?
Buhay ay di pelikula.
Lagi bang nasosolusyunan ang problema?
Lagi bang nagbabago ang mga tao?
Lagi bang yumayaman ang mahihirap?
Walang magic.
Buhay ay di pelikula.
Kailangan bang umiyak kapag may
namatay na kamag-anak?
Kailangan bang parangalan sa
entablado kapag gumawa ng mabuti?
Mga gwapo't magaganda lang ba
ang may tunay na pagmamahal?
Buhay ay di pelikula.

Thursday, September 22, 2005
 
"Kumakatas Na Mga Bagay"

Kumakatas na mga bagay
Kumakatas na mga bagay
Ooooohhh!
Kumakatas na mga bagay
Kumakatas na mga bagay
Aaaaahhh!
Kumakatas na mga bagay
Kumakatas na mga bagay
Hmmmmmm....
Kumakatas na mga bagay
Kumakatas na mga bagay
Araaaaayyyy!
Kumakatas na mga bagay...

 
"A Moron Will Not Be"

It's a secret
Just why angels are here
Could it be faith
Or senseless events
At the correct order
Or correct nonexistence
And crossings
And if a part of an Alchemist's words
Ease our existence
To transform us
Into a catastrophic explosion
Then put in your mind
God exists and a moron will be
So too will an angel be
Feel the warmth of my breath
Stop crying
Because when an impossible seems
Like a crystal
A moron will not be
From the cutter of gravity
Of your forbodings and worries
A grand source of emotion
A moron will not be
Recall how angels rejoiced
Until they became sad
At the king of moronic events
It's like ecstasy
But in every heart is where we were
We are channel seven fanatics
And though you would not comprehend
This random cohesion of our thoughts
And why it is still happening
Someday angels will cost nothing
Call to God and be imaginative
When a cigarette is consumed completely
And when you are lying
A moron will not be
When your voice is weak
I'll become weaker
A moron will not be
In my battle
Through the endless icy river
Do not be conscious
A moron will not be
When no one knows
Angels will know
A moron will not
A moron will not
A moron will not be
Be my confidant
A moron will not be...

Friday, September 16, 2005
 
"The Sun-started Dog Said Die Now And Be Dead"

Aliens as a dog
Force me the darkness
North Diversion
My life, I need nothing to be
With a dog
I'm a beverage in what
Began the day
I'm bad in the lonely moment
The night
Like a madman looking for you
You don't care
It's dark in here
The silly dog
It's burning like hell
You are not and i can't
Yes, you always do
That which does not exists
That's what you think i will do
If you don't love me anymore
I can't, I really can't
And all the world
And nothing
10:50 at night
To me, that which you didn't
The sun-started dog said die now and be dead
The impossible occurence in your beauty
That i behold through the post-war
The heat of your cigarette is announcing
To you and me
I can't understand why you didn't
I really never would have
What's that word
It's the effect of gravity
She's turned into an alien
She's turned into an alien
She's turned me into an alien too
The sun-started dog said die now and be dead...

 
"Kaharap ng Langit Na Pinili"

Pilipinas
Alahas ng direksyon ng araw
Ningas ng mapulang bagay
Kung nasaan ang pusong humihinga
Kaharap ng langit na pinili
Naghehele ka ng mga bayani
Sa Estados Unidos di ka pasasakop
Sa maraming isda at Mt. Everest
Sa nalalanghap at sa kaharap ng lupa mong
Nilalapitan ng lamok
May Maria Clarang mundo
At The Day You Said Good Night
Sa Hunyo a-doseng asawa
Ang watusi ng dapat igalang mo'y
Manny Pacquiao na bituing marikit
Ang starfish at panot nya'y MERALCO
Aming ako nang pag may Estados Unidos
Ang mapunta sa langit nang dahil sa aso...

Thursday, September 15, 2005
 
"Srebrenica at Tinapay"

Nalalatag sa abuhing
papel
Sumusuot sa
maitim na bola
Nalalatag sa
maputing porselana
Sumusuot sa
malalim na balon

Srebrenica at tinapay!
Srebrenica at tinapay!

Tam Tininam Tininam
Tim Tananim Tananim

Wednesday, September 14, 2005
 
"Melancholic Freak"

I saw a drop of blood
Fall down from my arms
I saw humanity
Killing humanity
I saw a dog
Walking in the street
I saw myself
Looking at the mirror
Wondering what happened
Or what didn't happen
I saw a dove
Passing above a tree
I saw you
I saw you kissing me
Then i saw something
Something that caught my attention
I saw a crack
In a wall
I saw my future
I saw our future
Then i saw a child
And in his eyes
I saw a melancholic freak

 
"Umuwi Ka Na Baby"

Baby, umuwi ka na
Naghihintay ako
Yesterday is the day you said goodnight
Ngayon ay wala ka pa rin
Sorry, kulang lang ako sa pansin
Miss na kita
Nagdasal na nga ako sa simbahan
Kumanta ako ng Hallelujah
Hanggang kailan ako maghihintay
Baby, umuwi ka na
At sana sa pag-uwi mo
Di ka na umalis
Stay ka na lang dito
Please baby, stay...
You'll be safe here naman eh...

 
"Maganda Pa Ang Buhay"

Trapik na naman sa Edsa
Pamasahe ay dose pesos na
Malakas ang ulan
Naiwan ko ang payong ko
Kahapon ay maaraw
Dala ko ang payong ko
Pati na ang sombrero ko
Pati na ang jacket ko
Tambak ang trabaho pagdating sa opisina
Asyete pa lang sweldo ko'y ubos na
Pagbaba ko sa bus may tindero ng taho
Maganda pa ang buhay

Friday, September 09, 2005
 
"Ang Batang Walang Alam"

Tayo nang magmasid
Tayo nang makinig
Ating panandaliang sulyapan
Kilatisin at tunghayan
Ang kwento ng batang walang alam

Ang batang walang alam
Di nya alam kung siya'y nasaan
Nasaan nga ba?
Nasaan ang batang walang alam?

Ang batang walang alam
Di nya alam ang kanyang pangalan
Ano nga ba ang pangalan?
Pangalan ng batang walang alam?

Ang batang walang alam
Di nya alam kung sino ang kanyang mga magulang
Sino nga ba ang mga magulang?
Mga magulang ng batang walang alam?

Ang batang walang alam
Di nya alam sumulat, di nya alam bumasa
Bakit nga kaya?
Sumulat at bumasa ay di nya alam?

Ang batang walang alam
Di nya alam kung may kinabukasan siya
May kinabukasan nga ba?
Ang batang walang alam?

Ang batang walang alam
Di nya alam kung ano ang kanyang nararamdaman
Hindi nga ba alam ng batang walang alam
Ang kanyang nararamdaman?

Ang batang walang alam
Ano ang gusto nyang sabihin?
Ano ang gusto nyang gawin?
Sino ang nakaaalam?

Saturday, September 03, 2005
 
"Makinanginamo"

Nagsimulang umandar ang makina
Makina ng isang mahiwagang katarantaduhan
Makinang walang kuryente
Makinang walang kwenta
Sumuot sa diwa
Sumapi sa kaluluwa
Nagsimulang mangarap
Umusbong
Lumaya...

Wednesday, June 29, 2005
 
"Love Letter Para Sa Aking Mahal"

Dear _____,

Una sa lahat, sana ay hindi ka makornihan, hindi sa sulat na ito, pero sa ginawa kong ito, na sumulat sayo, kasi parang di na uso ngayon ang pagsulat, una ko ngang naisip na i-email na lang kita, o kaya i-text, pero romantic ako kaya sinulatan kita gamit ang ballpen at papel na may kulay at mabango, pero di ba corny rin yung ballpen, maghahanap nga sana ko ng pansulat katulad dun sa mga pelikula, yung balahibo yata ng manok o bibe o peacock yata yun, basta balahibo...pero wala akong makita, at saka ayaw ko rin namang maging perfectly romantic kasi noboby's perfect naman di ba. Sana di ka talaga makornihan, i mean sa act ko na ito, hindi sa nilalaman nitong sulat.

Gusto ko lang namang malaman mo yung nararamdaman ko. Kapag nakikita kita, parang gusto kitang dilaan sa muka. Totoo. Kasi ang lakas ng sex appeal mo. Ewan ko ba, basta gusto kita. Actually boring kang kausap, ni hindi mo nga naiintindihan yung mga jokes ko, minsan nagjoke ako: "Sino daw ang pumatay kay Koko Crunch", sabi ko. "Sino?", tanong mo naman. "E di cereal killer!", sabi ko, tapos sabi mo:"So?", at palagay ko di mo lang naintindihan yung joke, medyo may pagka-seryoso ka yata kasi sa buhay, o may pagka-bobo (wag naman sana), at ikaw yung tipong pag nagjoke ang tao sa harap mo tungkol sa sino ang pumatay kay ganito, hindi mo maiintindihan. Ako naman, halos gumulong na ko sa sahig katatawa sa sariling kong joke, kasi mababaw ako, ako yung tipo ng tao na pag may nagjoke na tao sa harap ko tungkol sa sino ang pumatay kay ganito, eh halos matae na ko sa katatawa. Pero ang totoo, mas nagustuhan kita dahil medyo may pagka-seryoso ka, kasi naman kung tulad kita na walang inintindi kundi pihitin ang kahit anong bagay para lang maging joke, edi walang mangyayari sa atin, tatawa na lang tayo nang tatawa, wala na tayong panahon para pag-usapan ang mga bagay tulad ng life and death and everything in between, at tungkol sa alternating states and expanding consciousness, at tungkol sa philosophy, religion, environmental pollution, world peace, and those kind of craps.

Hindi ko alam kung libog lang ito. Pwede. Pero may kakaiba akong nararamdaman kapag kausap kita, kapag nakikita ko yung picture mo sa PC ko, at hindi libog yun. Hindi ko naman laging iniisip na nagse-sex tayo, minsan lang. Pero paano ko nga ba ilalarawan yung nararamdaman ko para sayo? Minsan iniisip ko na baka tayo na nga ang magkatuluyan, pero di naman sapat yun para sabihin kong mahal na nga kita. Kahit sino naman kasi pwede mag-isip ng ganun, kahit yung tindero ng taho dyan sa kanto. Pero alam ko mahal na kita. Kasi gusto kitang bigyan ng libro sa Java. At syempre dahil gusto kitang makatabing matulog, tapos yayakapin kita nang mahigpit, hahalikan sa leeg, aamuyin ko ang pabango mo, at ilalagay ko ang tenga ko sa ibabaw ng dibdib mo at pakikinggan ko ang pagtibok ng puso mo. Hindi ko alam kung kalibugan yon, pero para sakin ganun ko masasabi na mahal ko na ang isang tao, kapag gusto mo syang bigyan ng libro at makatabi sa pagtulog...and that kind of crap. Siguro nga mahal na kita. Hindi pala. Mahal na kita.

Tuesday, March 29, 2005
 
"Jollibee"

Sa Jollibee, ako'y kumain
Isang gabi sa Philcoa
Kasama ko'y isang kaibigan
Order namin ay magkaiba
Sa akin ay burger at fries
Kanya nama'y burger at rice
Masarap ang kain namin
Nang may biglang dumating
May kakilala ang kaibigan ko
na biglang umupo sa tabi namin
Nag-usap silang dalawa
Tahimik lang ako
Tapos ay umalis na siya
At nag-uwian na kami
At may kabayo sa damuhan

Monday, March 21, 2005
 
"Kape"

Isang gabi,
Nagtimpla ako ng kape
At bumili ako ng pandesal
sa tindahan ni Aling Nitz
Gabi na at madilim
Malamig ang simoy ng hangin
Nag-init muna ako ng tubig
Tapos ay pinalamnan ko ng
mantikilya ang pandesal na aking
Binili sa tindahan
Pagkatapos ay umupo ako
sa harapan ng aming bahay
Tahimik ang gabi, walang tao sa labas
Puro kulisap ang maririnig
Nakaaantok ang dilim at nakabibighani
Ang liwanag ng buwan
May maputing ulap na kumukumot
sa mga bituin
Sinimulan kong lagukin
Ang mainit na kape
Gumuhit sa aking lalamunan ang
matamis at mapait na kape
kumagat ako ng pandesal
Tinitigan ko ang langit
Ang langit ay naging kape
Ang mga ulap ay naging pandesal
ako ay naging buwan

 
"Pusa sa Ilalim ng Puno"

Unti-unti akong nagiging
Pusa sa ilalim ng puno
Magaan ang pakiramdam
Subalit mabigat
ang dinadala
Unti-unti akong kinakain
ng isang pwersang
Mapanganib, nakatatakot
Ako'y niluluoy ng sariling lakas
Lakas, na sa kalauna'y nagiging
Isang nakapanglalatang hila
Na nagdadala sa akin sa isang
Madilim na hukay
Gusto ko nang kumawala
Subalit ang puno ay nakaaakit
Malamig ang simoy ng hangin at
Nakaaaliw ang sinag ng araw
Ngunit kailangan kong
tumungo sa burol
kung saan malakas ang buhos
Ng ulan
Kailangan kong ginawin
At kailangan kong lumayo sa puno
Upang unti unti akong
makabangong muli
Nang hindi nakahawak sa anumang sanga
o dahon
Kailangan kong maging ibon.

Friday, March 11, 2005
 
"Kakain ng Tinapay"

"Dahil hindi mo alam kung bakit ako nagkakaganito. Wala kang alam. Mamamatay ka nang hindi mo nalalaman," sabi ni Nena sa babaeng nasa salamin.
"Paano ko malalaman at maiintindihan ang pinagdadaanan mo kung hindi mo sasabihin sa akin?", sabi ng babae sa loob ng salamin.
"Hindi ko sasabihin sayo dahil hindi ka naman nakikinig tuwing nagsasalita ako. Masasayang lang ang boses ko. Nagpapanggap ka na nakikinig ka, pero alam kong hindi mo iniintindi ang mga sinasabi ko. Iinom ka ng gatas, tapos ay kakain ng tinapay, matutulog, gigising at mabubuhay sa mundo ng mga patay, sa mundo ng kasinungalingan at kagaguhan, sa mundo ng mga ugat na hindi nagkaroon ng dugong dadaloy kahit kailan...gagawin mong lahat ang mga ito sa araw araw na ginawa, ginagawa at gagawin ng Diyos na Lumikha, Lumilikha at Lilikha, ngunit hindi mo magagawang makinig sa kahit isang salita man lamang na lalabas, lumabas, at lumalabas sa bibig ko," sabi ni Nena.
"Ano?", sabi ng babae sa salamin.

 
"Ilaw sa Traysikel"

Nung bata pa si Pedro, itinanong niya sa tatay niya ang ganito:
"Tatay, bakit kapag brown-out ay may ilaw pa rin ang mga traysikel?"
Ganito ang sagot ng tatay ni Pedro:
"Dahil...dahil lagi silang...dahil ano pala...ahh... dahil sa... dahil malulugi and MERALCO kapag tuwing magbro-brown-out ay may ilaw ang mga bahay at ang mga traysikel ang walang ilaw."

Tuesday, February 22, 2005
 
"Landas ng Kahibangan"

Sinasabayan ng pantog ko ang ihip ng hangin
Lumuluwa ang aking isipan patungo sa langit
Hinihikayat ako ng kamatayan upang tahakin ang
Landas ng kahibangan at katamaran
Umutot ako sa hinagpis ng aking bayan
Sumablay sa kutsarita ang patak ng aking pangarap
Iniinom ng bata ang aking buhay
Sumasabog sa buhangin ang mga panaginip
Kong hindi maliwanag ni hindi madilim
Umuubra sa akin ang kabobohan
Ngunit di sapat ang kawalan ng pag-ibig
Umuuga ang aking pananampalataya
Umiikot ang aking paningin
Sabihin mo sa akin kung ano ang gagawin
Tara na, samahan mo ako sa mundong
Aking nilikha upang lumipad sa katuparan
Ng lahat ng mga pangarap...

Monday, January 24, 2005
 
"Simple Lang"

"Ang mundo ay malawak at misteryoso", sabi ng isang lalaki na handa nang magpakamatay. "Hindi ko na matitiis pa ang kahibangan ng mundo. Maraming relihiyon. Maraming bagay ang di ko alam. Maraming problema na hindi ko matakasan. Maraming paniniwala at hindi ko alam kung ano ang katotohanan."
Maya-maya...lumitaw ang kaluluwa ng mundo. Ito ay isang babaeng umiilaw ang buong katawan. Kulay puti ang suot nito at ito ay nakalutang sa sahig. Ang babae ay tila dalaga ngunit ang emosyon nito ay tila sa isang babaeng matanda na at marami nang karanasan sa iba't ibang bagay. Matapos itong magpakita, nagsalita ito:
"Bakit ka magpapakamatay?"
"Alam mo ba na kasalanan iyan sa Diyos?"
"Magpapakamatay ako dahil buhay ko 'to!", sagot ng lalaki na tila hindi man lamang nasindak sa paglitaw ng kaluluwa ng mundo.
"Sabi mo ay malawak at misteryoso ang mundo, ngunit hindi mo ba naisip na baka mas simple lang ang mundo, at ikaw ang siyang malawak at misteryoso?" tanong ng kaluluwa ng mundo.

THE END

Wednesday, January 12, 2005
 
I am not a perfect human being.
That is why I need you.
You complete me.
You make my day.
You are me.
I am you.
The reason is you.
Everything, you...
Everything, for you...
And I love you...
I really do.

Wednesday, April 28, 2004
 
Tara na sa aking mundo. Kuha ka ng papel. Kuha rin ng lapis. Isulat sa papel ang "Tara na sa aking mundo. Kuha ka ng papel. Kuha rin ng lapis. Isulat sa papel ang ""Tara na sa aking mundo. Kuha ka ng papel. Kuha rin ng lapis. Isulat sa papel a.......

Thursday, March 11, 2004
 
Red is red, but red is sometimes blue, yet red is still red, and that's because of you.

Thursday, February 12, 2004
 
You can e-mail me at mark_alvin.ligaya@up.edu.ph

Wednesday, January 21, 2004
 
Eto naman, lumulutang sa isang basong ginhawa, nakatulala at di alam ang kulay ng langit. Saan ba pupunta? Mahalaga ba ang mabuhay? Bakit hindi tayo nabibigyan ng pagkakataong ipahayag ang ating mga sagot sa mga tanong ng ating paligid, ganoon nga ba? o ayaw lang nating sagutin ang mga tanong ng sarili nating mga kaluluwa? hehehe..wadafak....

Sunday, January 18, 2004
 
At sa aking pagsulpot sa umuugang kasiguruhan ng mga anino sa dilim, di ko alam kung bakit itinulak ako ng kawalang gana sa pagkain. May mga bagay na di maipaliwanag, minsa'y natatae lang pala, ngunit datapwa't marahil, tayo'y ipinanganak upang maging walang silbi, at maaari rin namang sumulpot tayo sa pwerta ng ating mga ina, upang isakatuparan ang mga bagay na babago sa takbo ng ating kani-kanyang pag-iral.


Pinaaandar ng Blogger