<$BlogRSDURL$>
Tula Atbp.
Wednesday, June 29, 2005
 
"Love Letter Para Sa Aking Mahal"

Dear _____,

Una sa lahat, sana ay hindi ka makornihan, hindi sa sulat na ito, pero sa ginawa kong ito, na sumulat sayo, kasi parang di na uso ngayon ang pagsulat, una ko ngang naisip na i-email na lang kita, o kaya i-text, pero romantic ako kaya sinulatan kita gamit ang ballpen at papel na may kulay at mabango, pero di ba corny rin yung ballpen, maghahanap nga sana ko ng pansulat katulad dun sa mga pelikula, yung balahibo yata ng manok o bibe o peacock yata yun, basta balahibo...pero wala akong makita, at saka ayaw ko rin namang maging perfectly romantic kasi noboby's perfect naman di ba. Sana di ka talaga makornihan, i mean sa act ko na ito, hindi sa nilalaman nitong sulat.

Gusto ko lang namang malaman mo yung nararamdaman ko. Kapag nakikita kita, parang gusto kitang dilaan sa muka. Totoo. Kasi ang lakas ng sex appeal mo. Ewan ko ba, basta gusto kita. Actually boring kang kausap, ni hindi mo nga naiintindihan yung mga jokes ko, minsan nagjoke ako: "Sino daw ang pumatay kay Koko Crunch", sabi ko. "Sino?", tanong mo naman. "E di cereal killer!", sabi ko, tapos sabi mo:"So?", at palagay ko di mo lang naintindihan yung joke, medyo may pagka-seryoso ka yata kasi sa buhay, o may pagka-bobo (wag naman sana), at ikaw yung tipong pag nagjoke ang tao sa harap mo tungkol sa sino ang pumatay kay ganito, hindi mo maiintindihan. Ako naman, halos gumulong na ko sa sahig katatawa sa sariling kong joke, kasi mababaw ako, ako yung tipo ng tao na pag may nagjoke na tao sa harap ko tungkol sa sino ang pumatay kay ganito, eh halos matae na ko sa katatawa. Pero ang totoo, mas nagustuhan kita dahil medyo may pagka-seryoso ka, kasi naman kung tulad kita na walang inintindi kundi pihitin ang kahit anong bagay para lang maging joke, edi walang mangyayari sa atin, tatawa na lang tayo nang tatawa, wala na tayong panahon para pag-usapan ang mga bagay tulad ng life and death and everything in between, at tungkol sa alternating states and expanding consciousness, at tungkol sa philosophy, religion, environmental pollution, world peace, and those kind of craps.

Hindi ko alam kung libog lang ito. Pwede. Pero may kakaiba akong nararamdaman kapag kausap kita, kapag nakikita ko yung picture mo sa PC ko, at hindi libog yun. Hindi ko naman laging iniisip na nagse-sex tayo, minsan lang. Pero paano ko nga ba ilalarawan yung nararamdaman ko para sayo? Minsan iniisip ko na baka tayo na nga ang magkatuluyan, pero di naman sapat yun para sabihin kong mahal na nga kita. Kahit sino naman kasi pwede mag-isip ng ganun, kahit yung tindero ng taho dyan sa kanto. Pero alam ko mahal na kita. Kasi gusto kitang bigyan ng libro sa Java. At syempre dahil gusto kitang makatabing matulog, tapos yayakapin kita nang mahigpit, hahalikan sa leeg, aamuyin ko ang pabango mo, at ilalagay ko ang tenga ko sa ibabaw ng dibdib mo at pakikinggan ko ang pagtibok ng puso mo. Hindi ko alam kung kalibugan yon, pero para sakin ganun ko masasabi na mahal ko na ang isang tao, kapag gusto mo syang bigyan ng libro at makatabi sa pagtulog...and that kind of crap. Siguro nga mahal na kita. Hindi pala. Mahal na kita.


Pinaaandar ng Blogger